Posibleng matalo sa usapin ng citizenship sa Senate Electoral Tribunal (SET) si Senator Grace Poe.
Ayon sa mga nakapanayam na law experts ng DWIZ Patrol, ito ay dahil nakasaad sa 1935 at 1973 Constitutions na maaring mamili ng citizenship ang bata kung isa sa kanilang magulang ay Pilipino at maaari din ituring na Pilipino ang mga ito kung ang isa sa mga magulang ay Pilipino.
Ipinaliwanag ng mga eksperto na hindi naman tinukoy sa batas ang kalagayan ng mga foundling at kung maaaring maipasa sa kanila ang citizenship ng mga tao na nangalaga sa kanila.
By Katrina Valle | Bert Mozo (Patrol 3)