Pumalag si Senador Grace Poe sa pagdadawit sa kanya ni senatorial candidate Greco Belgica sa isyu ng vote buying.
Ayon kay Poe, ‘ni minsan ay hindi siya nakiisa sa ganitong uri ng gawain dahil simula 2004 noong tumakbo ang kanyang ama na si Fernando Poe Jr. ay kontra-daya na siya.
Iginiit pa ni Poe na dapat ay maging maingat si Belgica sa pag-aakusa dahil inaalagaan niya ang kanyang reputasyon.
Aniya, kahit kailan ay hindi siya makikisangkot sa pamimili ng boto dahil wala siyang pera para gawin ito.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)