Naniniwala si dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, na maari pa tumakbo sa pagka-pangulo si Senator Grace Poe, kahit may disqualification case sa Senate Electoral Tribunal (SET).
Ipinaliwanag ni Puno na bagamat ang SET ang may hurisdiksyon sa kaso, maari pa din ito i-review ng Korte Suprema, lalo na at kung ito ay nakitaan ng pag-abuso.
Sinabi ng dating Punong Mahistrado na hanggat walang Temporary Restraining Order (TRO) mula sa Korte Suprema, walang makakapigil sa kandidatura ng senador.
By Katrina Valle | Bert Mozo (Patrol 3)