Kumpiyansa ang Nationalist People’s Coalition o NPC na kuwalipikado pa rin si Senadora Grace Poe na tumakbo sa halalang pampanguluhan sa susunod na taon.
Sa harap na rin ito ng kaliwa’t kanang disqualification case na isinampa laban sa senadora na kumukuwestyon sa kaniyang citizenship at residency.
Ngunit ayon kay NPC Spokesman at Quezon Rep. Mark Enverga, wala pang napagpapasyahan ang partido kung kanilang ie-endorso o hindi ang senadora.
Maguguinitang makailang ulit na nakipagpulong si Poe sa NPC bago pa ito magdeklara ng kaniyang kandidatura sa pagka-pangulo.
By Jaymark Dagala