Umapela si Senador Grace Poe sa mga kumpanya na i-hire ang mga kabataang nagtapos sa senior high school.
Sa pamamagitan ng inihaing Senate Resolution Number 700, nanawagan si Poe sa mga private companies na bigyan ng pagkakataon na magkaroon ng marangal at maayos na trabaho ang mga estudyanteng kabilang sa unang batch ng K-12 graduates.
Aniya, maituturing na tagumpay ang K-12 Act kung mapapatunayan nito na employable ang mga nagtapos sa senior high school.
Una nang ipinagmalaki ng Department of Education o DEpEd na job-ready ang mga mag-aaral na makakumpleto sa K-12 program.
—-