Walang ipapataw na bagong tax.
Ito ang ipinapangako ni Senadora Grace Poe sa oras na manalo siya sa eleksyon sa Mayo.
Ayon kay Poe, kanya ring sisikaping mapababa pa ang kasalukuyang buwis na hindi aniya makatarungan.
Binigyang diin ni Poe na ang Pilipinas ang isa sa may pinakamataas na income at corporate taxes sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.
Naniniwala si Poe na tataas ang revenue collection kung bababaan lamang ang buwis.
By Ralph Obina