Sinagot ni Senate Public Services Committee Hearing Chair Grace Poe ang patutsada ni House Speaker Alan Peter Cayetano ukol sa naging pagdinig ng Senado sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Matatandaang tinawag ni Cayetano na ang naging hearing ay tila naging attendance lamang ng mga sipsip sa naturang network.
Ayon kay Poe, naniniwala siyang hindi naman lahat ay mapapaligaya niya sa kanyang mga ginagawa.
Bagamat yun ang opinyon ni cayetano ay naniniwala siyang marami ang naliwanagan dahil sa naging pagdinig.