Nanawagan ngayon si Senadora Grace Poe kay Pangulong Benigno Aquino III na manghimasok na at ilagay na sa kontrol nito ang Department of Transportation and Communications o DOTC.
Ito’y sa harap ng kawalang katiyakan kung sino na ngayon ang mangangasiwa sa maintenance ng MRT dahil sa pag-atras ng isang South Korean company at pagtanggi naman ng kasalukuyang contractor na i-extend pa ang kanilang serbisyo.
Ayon kay Poe, Vice Chairperson ng Committee on Public Services, hindi na dapat hintayin pa ng Pangulong Aquino na mag-resign si DOTC Secretary Jun Abaya at sa halip ay agaran na itong palitan sa puwesto.
Aniya, kahit pa limang buwan na lang ang nalalabi kay Abaya sa DOTC pero napakatagal pa umano nito para sa mga nagtitiis na mananakay.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)