Ipinahiwatig ni Sen. Grace Poe na wala itong balak na makipag-tandem kay Vice Pres. Jejomar Binay para sa 2016 Presidential Elections.
Ito’y makaraang igiit ni Poe na magkaiba ang istilo nila ng bise presidente pagdating sa paninilbihan sa bayan.
Iginiit ni Poe na para sa kanya katapatan at pagiging bukas para mabusisi at makita ng taumbayan ang ginagawa nilang paggampan ng tungkulin.
Ang pahayag ay ginawa ni Poe kasunod ng pahayag na kampo ni binay na umaasa silang magiging running mate siya ng bise presidente sa 2016 elections.
Agad namang nilinaw ng senadora na hindi pa siya nakakapagdesisyon kung sasabak sa pampanguluhang halalang halalan at wala namang inaalok sa kanya ang kampo ni Binay.
By Cely Ortega-Bueno / Meann Tanbio