Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration o POEA kaugnay sa mga trabahong inaalok sa bansang Russia.
Kasunod ito ng ulat ng paglobo ng bilang ng mga Pilipinong nabibiktima ng illegal recruitment para makapagtrabaho sa Russia partikular na ang pagiging kasambahay.
Paglilinaw ng POEA walang visa-category para sa mga Pilipinong nag-aaply bilang kasambahay sa Russia.
Dahil dito pinapaalis ng mga illegal recruiter ang mga Pinoy patungong Russia gamit ang tourist o commercial visa at hinihingian pa sila ng malaking bayad.
Paalala ng POEA, maaaring mapatawan ng parusa, multa hanggang sa pagkaka-deport ang mga OFW na walang tamang dokumento kaugnay sa kanilang pagtatrabaho sa nasabing bansa.
—-