Binalaan ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ang mga Pilipino na nais magtrabaho sa New Zealand, laban sa paggamit ng mga palsipikadong dokumento.
Ito ay matapos makatanggap ng report si POEA Administrator Hans Cacdac, mula sa embahada ng Pilipinas sa Wellington, kaugnay sa pagpasok ng ilang Pilipino sa dairy farms na mayroong palsipikadong employment certificates.
Sinabi ni Cacdac na dahil sa naturang insidente, hinigpitan na ng immigration ng New Zealand ang pagpapapasok sa mga nais magtrabaho sa dairy farms.
Sa report, ang pekeng dokumento ay ipinagkaloob sa mga nasabing Pilipino, kapalit ng 15,000 New Zealand dollars.
By Katrina Valle | Allan Francisco