Kinumpirma na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang karagdagang proteksyon at benepisyong matatanggap ng mga overseas filipino workers (OFWs).
Kasunod ito ng inilabas na department order ng Department of Labor and Employment (DOLE), kung saan magiging sakop ang mga balik manggagawa o bm at direct hires.
Ayon kay POEA Administrator Atty. Bernard Olalia, nailathala na ang Department Order No. 228 nitong Marso.
Sa ilalim nito, makakatanggap ng 7,500 US dollars ang lahat ng nagtatrabaho abroad para sa permanent disability, 10,000 US dollars para sa natural death at 15,000 US dollars para sa accidental death.
Sinumang lalabag sa regulasyon ay mapapabilang sa ‘block list’ at hindi na tatanggapin sa Pilipinas. —sa panulat ni Abby Malanday