Itinuturing pa ring krimen ang pakikipag-talik nang hindi pa kasal sa United Arab Emirates.
Ito ang babala ng Philippine Overseas Employment Administration sa mga O.F.W. sa U.A.E. lalo’t may mga Pinoy na nakulong dahil sa pakikipagtalik nang hindi pa kasal sa ilang bansang Muslim.
Ayon sa P.O.E.A., ang mga babae at lalaking magka-relasyon at nagpa-planong mag-live in sa U.A.E. ay dapat munang magpakasal bago tumira sa nabanggit na bansa bilang mag-asawa.
Alinsunod sa Sharia o Islamic Law, ipinagbabawal ang pagsasama ng babae at lalaki sa isang bubong kung hindi pa kasal.
Ulat ni Aya Yupangco
SMW: RPE