Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa publiko kaugnay sa mga scammer na nag-aalok ng trabaho sa pamamagitan ng text message.
Ayon kay POEA Administrator Atty. Bernard Olalia, talamak ngayon ang ganitong modus at siya mismo ay nakatanggap ng text message mula sa mga online scammer na ginagamit pa ang kanyang tanggapan.
Aniya idinadamay na ngayon ng mga scammer ang POEA sa mga inaalok na trabaho kaya pinayuhan nito ang publiko na huwag paniwalaan agad-agad ang mga naturang mensahe.
Binilinan na rin ng POEA Administrator ang publiko na huwag bubuksan ang link na ipinadala sa text dahil nakokompromiso ang lahat ng datos sa kanilang mga mobile phone at makukuha rin ito ng mga online scammer.