Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration o POEA sa mga Filipinong nagnanais mag-trabaho sa Japan.
Ito’y matapos mapag-alaman ng POEA ang pag-aalok ng mga trabaho sa Japan sa pamamagitan ng Facebook at ginagawa ang “tourist-to-refugee” recruitment scheme.
Nabatid na isang alyas Mara ang nagre-recruit ng mga aplikante para makapag-trabaho sa Japan gamit ang tourist visa.
Ngunit pagdating ng Japan ay pinapakuha ang mga na-recruit ng refugee visa sa immigration bureau of Japan para sila ay makapag-trabaho.