Binalaan ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA ang publiko hinggil sa mga nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa sa pamamagitan ng dating applications.
Ayon kay POEA Administrator Bernardo Olalia, maraming OFW’s ang nabibiktima ng naturang scam kung saan kalimitan aniyang nire-refer ang isang indibidwal sa Visa consultancy firm at pagbabayarin ito para maiproseso umano sa isang trabaho sa ibang bansa.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Olalia ang publiko na maghanap na lamang ng lehitimong trabaho sa website ng POEA.—sa panulat ni Hya Ludivico