Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga aspiring Overseas Filipino Workers (OFWs) laban sa mga pekeng alok na trabaho sa Palau.
Sa Advisory 11-2022 ng POEA, na dapat maging mapagbantay ang publiko laban sa mga walang prinsipyong indibidwal at entity na nangako ng mga pekeng oportunidad sa trabaho sa Palau.
Dagdag pa ng POEA, na nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa mga diplomatic corps at law enforcement agencies, habang iniimbestigahan ang mga lisensyadong recruitment agencies na may kinalaman umano sa bogus job offers.
Samantala, pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na makipagtransaksyon lamang sa mga lisensyadong recruitment agencies at sa kanilang mga kinikilalang empleyado. - sa panulat ni Kim Gomez