Muling nagbigay ng tips o mga paalala ang POEA sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa, partikular sa United Kingdom, sa gitna ng pagkalat sa internet ng mga pekeng recruiter.
Ayon sa POEA, nagpapanggap na kinatawan ng mga lehitimong kumpaniya ang mga scammer sa mga social media gaya ng Twitter at Facebook at nagpapadala sila ng mga Unsolicited Email Bogus Job Offer sa mga biktima.
Dahil dito, ipinayo ni POEA Administrator Hans Leo Cacdac na mainam na isangguni sa POEA kung totoo o hindi ang job offer at para matukoy kung aprubado sa kanila ang nagpapakilala employer.
Dapat din aniyang magsumite ang prospective UK empEloyers ng original copies ng kanilang employment documents sa tanggapan ng Philippine Overseas Employment Administration sa Philippine Embassy sa London upang maberipika.
Sinabi rin ni Cacdac na dapat rehistrado ang mga totoong kumpaniya sa UK.
By: Avee Devierte