Nagpaalala sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kaugnay sa kanilang employment contracts.
Kasunod ito ng report ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Milan, Italy tungkol sa ginawang pagtakas ng maraming pilipino sa kanilang mga employers sa Romania.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, marami ngayon sa mga pinoy workers ang iniiwan ang kanilang mga employer at lumilipat ng ibang trabaho ng walang pasabi sa kanilang naunang employer.
Sinabi ni Olalia na mahalagang sumunod ang mga OFW sa labor laws ng pinagtatrabahuhang bansa at tuparin ang kanilang obligasyon, terms, at mga kondisyon na nakasaad sa kanilang employment contracts.
Sa ilalim ng Romanian Laws, ang pagtatapos sa trabaho ng mga empleyado ay hindi kailangang magkaroon ng wastong dahilan kundi dapat ay mayroong formal resignation. —sa panulat ni Angelica Doctolero