Nangangailangan ang Philippine Overseas Employment Administration o POEA ng 50 nurse at 300 caregiver sa Japan.
Ito ang inanusyo ng Department of Labor and Employment o DOLE kung saan hinihikayat ang lahat ng mga nurse na may professional license na mag-apply.
Bukod sa professional license, kinakailangan din umano ng experience sa ospital ng hindi bababa sa tatlong taon.
Samantala, para sa mga nais naman mag-apply bilang caregiver, dapat ay nakapagtapos ng apat na taong kurso, mayroong TESDA care worker certification o nagtapos ng BS Nursing mayroon o walang lisensya.
Maaaring magpadala ng requirements ang mga aplikante hanggang Abril 30 ngayong taon.