Muling pinag-iingat ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa abroad laban sa pagtanggap ng offer sa ibang bansa.
Sinabi ni POEA Administrator Hans Leo Cacdac na nakatanggap kasi sila ng report mula sa embahada ng Pilipinas sa Turkey tungkol sa isang kaso ng domestic helper sa hongkong na nasa Ankara Turkey na ngayon at walang trabaho.
Habang nagtatrabaho ang Pinay sa Hongkong bilang domestic helper, ni-recruit daw siya ng isang agency sa hongkong at pinangakuan ng mas magandang trabaho sa turkey kung saan nagbayad siya ng 19,000 hongkong dollars para sa inaasahang bagong trabaho.
Dumating ito sa Turkey noong mayo at nakapagtrabaho naman doon pero na-terminate din matapos ang 45 araw.
Giit ni Cacdac, ang 3rd country recruitment gaya nito ay iligal dahil hindi naka-record sa poea ang recruiter at gayundin ang employer nito.
By: Jelber Perdez | Allan Francsico