Binalaan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang publiko laban sa mga kumakalat na text message na nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa.
Ayon sa Anti-Illegal Recruitment Unit ng ahensya, nagsesend ng link ang scammer sa bibiktimahin nito na naglalaman umano ng mga detalye kaugnay sa trabaho.
Kaugnay nito, pinayuhan ang publiko na huwag pansinin o burahin na lamang ang nasabing text message dahil hindi ito nanggaling sa ahensya.
Hinimok rin ng POEA ang publiko na makipag-ugnayan lamang sa kanila at sa accredited recruitment agencies kung nais na mag-apply ng trabaho sa abroad.