Wala pang ipinatutupad na deployment ban sa South Korea.
Nilinaw ito ng POEA o Philippine Overseas Employment Administration sa harap ng pagkalat ng epidemya ng Middle East Respiratory Syndrome o MERS virus sa South Korea.
Ayon kay POEA Administrator Hans Cacdac, naghihintay pa sila ng rekomendasyon mula sa Department of Health at Department of Foreign Affairs kung panahon na para magpatupad ng deployment ban sa South Korea.
Tiniyak naman ni Cacdac na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang monitoring sa sitwasyon sa South Korea sa pamamagitan ng DFA, Employment Labor Attache’s sa South Korea at Korean Ministry of Employment.
Batay sa datos ng POEA, nasa 20,000 ang bilang ng manggagawang Pinoy sa South Korea.