Tinutulungan pa rin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang tinaguriang “POGO babies” o ang maliliit na anak na naiwan ng mga pinalayas na Foreign POGO workers.
Sinabi ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz na dahil sa POGO ban, karamihan sa mga Pilipinong magulang ng pogo babies ay nawalan din ng kabuhayan, dahil kalimitan sa kanila ay nagta-trabaho sa mga scam hubs tulad sa household, sa kusina, at maintenance ng gusali.
Sa ngayon ay may binabantayan ang PAOCC ng mahigit 20 POGO babies, at ang pinaka-bata sa mga ito ay dalawang buwan, ang pinakamatanda ay dalawang taon, habang mayroon pang tatlo na ipinagdadalang-tao pa lamang ng kanilang mga ina.
At dahil hindi maaaring abandunahin ang POGO babies, sinabi ni Cruz na ang PAOCC na mismo ang nagbibigay sa kanila ng tulong, at kalimitan sa kanilang hinihingi ay pang-gatas at diaper, pambayad sa upa ng apartment, at pang-ospital.
Matatandaang libu-libong foreign POGO workers ang umalis na sa bansa noong nakararaang taon matapos ipagbawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior. – mula sa ulat ni Giblert Perdez (Patrol 13)