Mananatiling sarado ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at casino sa mga lugar na isasailalim na sa general community quarantine (GCQ) simula sa unang araw ng Mayo.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque dahil hindi kabilang ang POGO sa listahan ng mga industriyang nagbibigay ng mga mahahalagang serbisyo tulad ng pagkain at kalusugan.
Ayon kay Roque, nasa ilalim ng amusement and leisure category ang POGO na katulad ng klase sa mga paaralan, religious gatherings at turismo ay bahagi ng negative list o mga hindi pa papayagang muling makapag-operate.
Sinabi naman ni Roque na maaaring humingi ng exemption at pahintulot ang mga POGOs sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para makabalik na sila sa operasyon.
Gayunman, sa ngayon aniya ay wala pang rekomendasyon ang PAGCOR sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang PAGCOR hinggil dito.