Isinulong ng Bayan Muna na gawing evacuation centers ang mga nasalakay na Philippine Offshore Gaming Operations Hub.
Ayon kay dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, ito ay habang hindi pa nagagamit bilang paaralan ang mga sinalakay na pogo facilities dahil sa psychological trauma na posibleng idulot ng mga ito.
Sinabi rin ni Colmenares na ang ilang mga POGO hub ay may sapat nang pasilidad para sa mga ililikas na pamilyang maaapektuhan ng mga kalamidad.
Kabilang na aniya rito ang POGO hub sa Tarlac, Pampanga, Bataan, Bulacan, at Cagayan.
Dagdag pa ni Colmenares, mayroon nang mga medical center at sapat na espasyo na angkop upang magamit ito bilang isang emergency shelter.