Nasa 875 katao ang nasagip kabilang ang mahigit 500 dayuhan matapos ang isinagawang pagsalakay ng awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa human trafficking, scam at illegal detention sa Bamban, Tarlac, kahapon.
Sa bisa ng dalawang search warrants sinalakay ng tropa ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at iba pang units ng Philippine National Police
Ang POGO Hub sa Barangay Anupul ng nasabing lugar na pagmamay-ari ng Zun Yuan Technology Incorporated.
Ayon sa mga operatiba, nag-ugat ang raid matapos ang reklamong isinampa ng mga foreign nationals na nakaranas ng pag-aabuso sa compound na kanilang pinagtatrabahuhan.
Sa ginawang pagsalakay, umaabot sa 875 na empleyado ng POGO hub na kinabibilangan ng 371 Filipino; 432 Chinese National; 57 Vietnamese; 8 Malaysian, 2 Indonesian, 2 Rwandans ; at 3 Taiwanese ang naabutan ng raiding team
Nakumpiska rin ng awtoridad ang mga scripts na kahalintulad sa mga love scam modus gayundin ang mga androids at smartphones na mayroong mga scam transactions.
Patuloy naman ang imbestigahan at kinakausap ng CIDG ang mga nasagip na Foreign Nationals, habang ang mga tauhan naman ng Bureau of Immigration (BI) ay sinusuri ang mga dokumento ng mga naligtas na dayuhan.