Papanagutin ng pamahalaan ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Tiniyak ito ni Presidential spokesman Salvador panelo matapos lumabas sa pagdinig ng Senado na umaabot sa P50-bilyon ang hindi nabayarang buwis ng POGO.
Ayon kay Panelo, klaro ang direktiba ng pangulo na walang sisinuhin at walang palalampasin sa mga may utang sa gobyerno.
Samantala, hinamon ni Panelo si Senador Risa Hontiveros na samahan na lamang ang babaeng Taiwanese national na tumestigo sa Senado laban kay Michael Yang para magsampa ng kaso.
Matatandaan na ibinunyag ng babaeng Taiwanese sa Senado na isang Michael Yang ang nagsisilbing backer sa Malakanyang ng POGO.
Magugunita na si Michael Yang ang dating economic adviser ng pangulo na nadawit na rin dati sa illegal drugs.