Malayang umalis ng Pilipinas ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO)’s kung hindi makababayad ng tamang buwis ang mga ito.
Ito ang inihayag ng Malakanyang matapos sabihin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na dalawang POGO companies na ang nag-pull out at inaasahang mas marami pa ang aalis dahil sa usapin sa tax.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kinakailangan lamang ang mga POGO dahil kailangan ng pamahalaan ang kita mula rito.
Iginiit ni Roque, kung hindi naman makapagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan ang mga POGO, nararapat lamang na umalis na ng bansa ang mga ito.
Una nang sinabi ni Pagcor chairperson at chief executive officer andrea domingo, posibleng makaapekto sa mahigit tatlumpung libong mga manggagawang Filipino ang pag-alis sa bansa ng mga POGO.