Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan upang tiyaking ligtas ang Pilipinas mula sa bagong variant ng COVID-19.
Ito ang inihayag ng DOH makaraang ihayag nito na wala pa silang namamataang kaso ng bagong variant ng virus sa bansa hanggang kahapon, Enero 2.
Kasunod nito, sinabi ng DOH na dapat paigtingin at higpitan ang lahat ng point of entry sa bansa upang maiwasang mapasok ng nasabing virus.
Dahil dito, hinikayat ng DOH ang publiko na palagiang sundin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield, paghuhugas ng kamay at pagdistansya sa kapwa.