Pansamantalang sinunpinde ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang implementasyon ng point ot point service para sa mga UV express hanggang sa kalagitnaan ng Hunyo.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary Goddes Libiran, ang naging desisyon ay para magbigay daan sa mas malalimang konsultasyon sa mga stakeholder.
Ginawa ang desisyon kasunod ng naging rekomendasyon ng House Committee on Metro Manila development para ipagpaliban ng dalawang linggo ang plano.
una nang pinalagan ng mga drayber, operator at commuter ang naturang bagong polisiya ng LTFRB dahil magiging malaking abala ito lalo’t ipagbabawal dito ang pagbaba at pagsakay ng pasahero maliban sa designated terminals nito.