Balik showbiz na si Pokwang tatlong buwan matapos manganak sa kaniyang baby girl.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Pokwang sa kanyang followers ang paglabas niya sa Mothers Day episode ng “Maalala Mo Kaya”.
Batay sa post ni Pokwang, ngayong araw na ito ang simula ng kaniyang taping para sa nasabing episode.
Tila nagbibiro pang inihayag ni Pokwang na unang eksena niya sa pagbabalik trabaho ay iyakan.
Magugunitang dahil sa kanyang delikadong pagbubuntis ay kailangang mag leave ni Pokwang mula sa gag show na “banana sundae” at “FPJ’s Ang Probinsyano” noong isang taon.
Ipinanganak ni Pokwang noong January si baby girl Malia mula sa kaniang american partner na si Lee O’ Brian.