Hindi napigilang pumatol ni Pokwang sa ilang mga netizens na bumatikos sa kanya dahil umano sa pagpopost niya ng fake news.
Kasunod ito ng pagbabahagi at pagpuna ni Pokwang sa kanyang instagram account ng screenshot ng umano’y tweet ng Australian Boomer Player na si Chris Goulding kung saan tinawag umano nitong monkey ang mga Pilipino.
Ito ay matapos naman ng nangyaring rambol sa pagitan ng Australian boomers at Gilas Pilipinas sa Fiba World Cup Qualifier noong nakaraang linggo.
Sa kanyang instagram post, matapang na sinabi ni Pokwang na hindi tamang umabot pa sa pagtawag ng monkey sa mga Pilipino at pang-aalipusta sa lahing Pilipino ang nangyaring rambol.
Iginiit naman ni Pokwang na hindi peke kundi deleted ang tweet ng Australian basketball player.
Samantala, sinagot naman ni Pokwang ang ilang netizens na nagpatutsadang wala na umanong trabaho ito kaya gustong maging relevant sa pagpopost ng fake news.
Paglilinaw ni Pokwang, kakabalik lamang niya sa banana split at iginiit na hindi siya mawawalan ng trabaho dahil hindi aniya siya balahura sa trabaho.