Binigyang pagkilala ng Manila City Government si Pole vaulter EJ Obiena dahil sa ibinigay nitong karangalan sa bansa.
Matatandaang dumalo si Obiena sa isang flag raising ceremony na pinangunahan nina Manila mayor Honey Lacuna at Vice mayor Yul Servo-Nieto, kasama ng iba pang opisyal sa Bulwagang Villegas sa Manila City Hall.
Nakatanggap si Obiena ng P300,000 cash incentives dahil sa nasungkit na 12 gold medals, dalawang silver medals, at tatlong bronze medals sa loob lamang ng walong buwan sa kanyang nilahukang European at Asian competitions.
Ayon sa Alkalde, hindi nasusukat ang galing at tapang na ipinakita ni Obiena sa laban kaya dapat itong parangalan at tularan.