Nakamit ng pole vaulter na si EJ Obiena ang ikatlong pwesto sa Pole Vault World Rankings.
Ito ay matapos magwagi si Obiena ng makasaysayang bronze medal sa World Athletics Championships sa Oregon, United States noong nakaraang linggo.
Dating nasa ikaanim na pwesto ang 26 anyos na pole vaulter na may kabuuang score na 1,408.
Sinundan ni Obiena sa pwesto si Mondo Duplantis ng Sweden na may 1,612 points at Chris Nilsen ng US na may 1,435 points.