Pangungunahan ni pinoy pole vaulter EJ Obiena ang Asian Athletics Championships na nakatakdang ganapin sa Pebrero A-DIYES hanggang a-dose sa Nur Sultan, Kazakhstan.
Ayon kay Patafa Secretary General Edward Kho, magpapadala sila ng lean and mean team para sa Asian Indoor Athletics Championships kung saan, malaki ang kanilang tiwala na makakakuha ng mga atleta ang pinakamataas na posibleng puntos sa kompetisyon para sa karangalan ng Pilipinas.
Samantala, bukod kay Obiena, ibabandera din ang watawat ng Pilipinas nina olympian sprinter Eric Cray at Kristina Knott para din sa kanilang unang foreign exposure ngayong taon.
Nabati na magiging abala ngayong taon ang mga national athletes para paghandaan ang tatlong malalaking tournament kabilang na dito ang 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia na gaganapin sa Mayo; Asian Games sa Hangzhou, China na magaganap sa Setyembre; at ang Asian Indoor and Martial Arts Games sa Thailand na ikakasa sa Nobyembre.