Pinapu pull out na ng NCRPO ang police battalion na nakatalaga sa mga istasyon ng LRT at MRT.
Ang mga nasabing pulis na bahagi ng RMFB o Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO ayon kay Acting Director Police Brigadier General Debold Sinas ay dapat nasa loob ng kampo.
Sinabi ni Sinas na ang nasabing puwersa ay papalitan naman ng mga pulis mula sa district offices na nakakasakop sa istasyon ng tren.
Tinukoy ni Sinas na ang mga istasyon ng MRT North Avenue hanggang Santolan ay babantayan ng mga tauhan ng Quezon City Police District, mga pulis ng EPD sa Ortigas Station hanggang Boni Stations at Pulis SPD naman mula Guadalupe hanggang Taft Avenue Stations. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).