Gumugulong na ang ginagawang parallel invetigation ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) sa nangyaring insidente ng pananakit ng pulis sa kapwa pulis sa Legazpi City sa Albay.
Kaugnay ito sa pambabato ng basag na baso ng lasing na si P/Col. Dulnoan Dinamling Jr kay PMSgt. Ricky Brabante na siyang naging sanhi ng pagkabulag ng kaliwang mata nito.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, incident grave misconduct ang ginawa ni Dinamling na may kaparusahang pagkasibak sa serbisyo.
Magugunitang binigyan ng isang linggong palugit ni PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos ang binuong Special Investigation Task Group (SITG) para isumite ang resulta ng kanilang ginawang pagsisiyasat.
Kasalukuyan nang sinibal si Dinamling sa PNP Regional Aviation Security Group 5 at ang mistah nitong si P/Col. Clarence Gomeyac ng Regional Mobile Force Battalion na siyang nagpa-inom ng alak sa kaniyang Birthday sa loob ng Camp Simeon Ola nuong Sabado. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)