Inatasan ni Philippine National Police Chief PGen. Guillermo Eleazar sa mga police commanders na makipag-ugnayan na sa kani-kanilang mga Local Government Unit (LGU) ang pag-secure ng mga sementeryo para sa darating na undas.
Ito ay makaraang ipasara ang mga sementeryo sa undas kung saan inaasahan na nila ang pagdagsa ng mga sa mga libingan para dumalaw sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.
Matatandaang isinara rin noong nakarang undas ang mga sementeryo dahil sa pandemya.
Inutos ni Eleazar ang maagang pagtatayo ng mga police assistance desks sa mga libingan para umalalay sa mga mamamayan at limitahan ang mga bilang ng mga tao sa sementeryo.
Nagpaalala rin si Eleazar sa kapulisan na dapat masiguro nilang nasusunod ang mga ipinatutupad na health protocols para hindi maging super-spreader event ang pag-obserba sa undas.