No comment pa si Police Deputy Director General Ramon Apolinario sa lumulutang na appointment niya bilang bagong PNP Chief.
Sinabi ni Apolinario na nakatutok muna siya sa kaniyang trabaho bilang Deputy Chief for Administration ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa.
Ayon naman kay PNP Spokesman Chief Supt Dionardo Carlos numero unong kandidato sa pagka PNP Chief si Apolinario base na rin sa seniority, track record at competence nito.
Si Bato ay nakatakdang mag retiro sa January 21 habang August 2018 naman magre retiro si Apolinario.
Ipinabatid ng source ng DWIZ na isang police general na kasama sa command conference sa Malakaniyang nuong isang araw ang nakangiting pahayag ng Pangulong Duterte na “ikaw na apol next year ka na”.