Iminungkahi ni Senador Bongbong Marcos ang paglalagay ng police desk sa mga mall, night market, supermarket at department store upang maprotektahan ang mga mamimili ngayong holiday season.
Ayon kay Marcos, dapat ding maglagay ang Department of Trade and Industry (DTI) ng complaint corners upang mabigyan agad ng tulong ang mga consumer na magkakaroon ng problema sa kanilang mga binibili.
Iginiit ng senador, karaniwan ng naglilipana ang mga kriminal tuwing magpa-Pasko kaya’t mahalagang may mga nakaalertong pulis na naka-sibilyan at palihim na mag-iikot sa mga mall upang protektahan ang publiko.
Una ng inihayag ni Marcos na dapat maglabas ang DTI ng suggested retail price ng pangunahing produkto na kariniwang binibili tuwing holiday season tulad ng pagkain at damit.
By Drew Nacino | Cely Bueno (Patrol 19)