Ipinag-utos ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga tauhang nagsisilbing Police details ng mga pulitiko na bumalik sa kanilang mother units.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/LtG. Dionardo Carlos ay dahil kailangan nang mag-apply ng mga kandidato ng exemption sa Commission on Elections (COMELEC) ngayong panahon ng halalan.
Binigyang diin ng PNP Chief na kailangang patunayan ng mga pulitiko na mayruong banta sa kanilang buhay kaya’t kung pagbibigyan ng COMELEC ay saka pa lang sila bibigyan ng detail ng PNP Security Protection Group.
Mahigpit ang atas ni Carlos sa mga tauhan nito na madedestino sa mga pulitiko na ang tungkulin nila ay proteksyunan ang mga pulitiko at hindi tumulong sa pangangampaniya.
Dapat din aniyang manatiling neutral ang mga Pulis at huwag magpapagamit sa mga sa mga Pulitiko at sa halip, gawin lang ng tama ang kanilang trabaho. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)