Mahigpit na tinututukan ni PNP Chief Debold Sinas ang rescue operations ng Police Disaster Response Units(PDRU) sa mga lugar na lubog sa tubig baha sa Luzon dahil sa bagyong Ulysses.
Mahigit 800 indibidwal ang una nang na rescue ng Police Disaster Response Units mula sa mga lugar na lubog sa baha sa Luzon dahil sa typhoon Ulysses.
Batay sa isinumite report ng PNP command center sa camp crame mahigit 300K katao ang nananatili sa mahigit 13K evacuation centers sa iba’t ibang rehiyon.
Bago pa man mag landfall ang bagyo inalerto na ni sinas ang pnp units para ihanda ang preposition disaster response personnel, equipment at resources.
Libo- libong pulis ang idineploy sa disaster response operations para umalalay sa mga apektadong residente.
Nasa mahigit 20k pulis naman mula sa reactionary standby support force search and rescue units ang nakahanda para sa rapid deployment habang apat na raang pulis ang magbibigay ng tulong at seguridad sa evacuation centers.
Sa situation reports mula sa PCC nasa 411 ang bahang lugar, 519 ang walang kuryente at 104 ang walang telecommunication service.
Halos 2K sasakyan naman ang stranded sa mahigit 100 kalsada na hindi pa maaaring daanan dahil sa baha 96 inter island ang nananatiling stranded sa mga pantalan at halos 80 pasahero ng pitong kanseladong flights ang stranded sa paliparan.