Tinanggal na sa serbisyo ang police officer na bumaril sa 22 taong gulang na mag-aaral sa Quezon City.
Sa 12 pahinang desisyon ng People’s Law Enforcement Board (PLEB), hanatulan si Corporal Reymark Rigor ng guilty dahil sa kasong grave misconduct matapos barilin ang lasing na si Adrianne Castor.
Dahil dito, kakanselahin na ang eligibility ni Rigor, maging ang pagtanggap ng retirement benefits at disqualification sa anumang trabaho sa gobyerno.
Matatandaang sa nangyari, idinahilan ni Rigor na na-discharge niya lamang ang kaniyang baril at wala namang intensiyon na barilin ang estudyante.
Wala naman itong maipakitang katibayan na lasing nung mga panahong iyon kaya hindi ito pinaniwalaan. —sa panulat ni Abby Malanday