Isasailalim sa restrictive custody ng PNP o Philippine National Police ang isang police colonel na nahuling nagpa-pot session sa Everlasting Homes, Talon 4, Las Piñas City.
Ipinabatid sa DWIZ ni PNP Spokesman Senior Supt. Dionardo Carlos na bukod sa kasong administratibo, mahaharap si Superintendent Lito Cabamongan sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Si Cabamongan ay hepe ng Alabang Satellite Office ng PNP Crime Laboratory Service.
“We’re looking at the brighter side of things, mas magandang nahuli ito, ipa-drug test at diyan makasuhan at matanggal sa serbisyo.” Pahayag ni Carlos
Kasabay nito ay tiniyak ni Carlos na patuloy ang kanilang pagsisikap at kampanya upang linisin ang kanilang hanay mula sa mga police ‘scalawags.’
By Meann Tanbio | Ratsada Balita (Interview)