Hindi pabor ang ilang mambabatas na mabigyan ng police power ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito’y matapos humiling ang ahensya ng dagdag kapangyarihan upang magkaroon umano ng pangil ang kanilang mga ipinatutupad na polisiya.
Ngunit naniniwala si Marikina Rep. Bayani Fernando, dating MMDA chairman, na hindi kailangan ng police power ng ahensya.
Aniya may kapangyarihan ang MMDA dahil mandato ng batas na sila ang mamamahala sa trapiko.
Para naman kay Senate Pres. Vicente Tito Sotto III, hindi madali ang pagbibigay ng police power sa MMDA.
Sinabi ni Sotto na bago ito mangyari ay kailangan munang maamyendahan ang batas ng MMDA.
Lumutang din ang ilang panukala na dagdagan na lamang ang budget ng MMDA para maka-recruit ng dagdag na taong tutulong sa pagmamando sa mga kalye at mapasweldo nang maayos ang mga empleyado ng ahensya.