Mananatiling suspendido ang police power ng mga nanalong lokal na opisyal na sinasabing kabilang sa narco-list ng pamahalaan.
Ayon kay Napolcom o National Police Commission Vice Chairman Atty. Rogelio Casurao, hindi kailanman bibigyan ng pagkakataon ang mga nanalong narco politicians na pamahalaan at kontrolin ang lokal na pulisya.
Dedepende lamang din aniya ang mga ito sa ibibigay sa kanila ng liderato ng PNP.
Batay sa datos ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency, nasa 46 na narco politician ang tumakbo sa nakalipas na 2019 mid-term elections kung saan 25 sa mga ito ang nanalo.
(with report from Jaymark Dagala)