Pansamantala lamang ang suspension ng police powers ng pitong (7) gobernador at mahigit sa isandaang (100) alkalde sa Mindanao.
Sinabi sa DWIZ ni NAPOLCOM o National Police Commission Chairman at DILG o Department of Interior and Local Government Secretary Catalino Cuy na ginawa lamang nila ito upang suportahan ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Cuy, layon lamang nito na gawing buo ang kontrol ng lokal na pulisya sa Mindanao sa kanilang mga tauhan.
Nilinaw ni Cuy agad nilang ibabalik sa lokal na opisyal ang kontrol sa pulisya sa sandaling irekomenda ito ng PNP o ng AFP sa kanilang nasasakupang lugar.
Kabilang sa mga tinanggalan ng police powers sina Maguindanao Governor Esmael Mangudadato at dalawampu’t walong (28) alkalde ng Maguindanao, Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong at tatlumpu’t pitong (37) mayors ng lalawigan, Lanao del Norte Governor Imelda Quibranza-Dimaporot at dalawampu’t dalawang (22) mayors nito, Sultan Kudarat Governor Datu Pax Pakung Mangudadatu at labing dalawang (12) mayors, Sulu Governor Abdusakur Tan II at labing tatlong (13) alkalde, Basilan Governor Jadjiman Saliman at sampung (10) mayors ng lalawigan, Tawi-tawi Governor Nurbert Sahali at syam (9) na iba pa at Mayor Atty. Frances Cynthia-Sayadi ng Cotabato City.
“Preventive measure ito to support the Martial Law declaration, early June pa yan, actually May pa natin inutos yan pero natapos ang resolution early June tinitignan ko nga kung bakit late na inilabas yan, kumbaga ang effect niyan paso na, meron na nga kaming na-receive na recommendation for restoration of police power in some areas.” Pahayag ni Cuy
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
Police power suspension sa Mindanao local executives temporary lang—DILG was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882