Sinalakay ng mga hinihinalang miembro ng New People’s Army ang police station sa bayan ng Maasin sa Iloilo.
Ayon kay Iloilo Provincial Police Office PIO Chief/Inspector Aaron Palomo, nasa 40 mga armadong lalaki sa nasabing istasyon ng pulis.
Batay sa ulat, pinusasan ng mga rebelde ang 5 naka-duty na mga pulis at kinuha ang hindi pa nabibilang na mga armas at isang police car.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa pangyayari.
By: Krista De Dios