Hindi umano nangangahulugan na tuluyan ng absuwelto sina Supt. Marvin Marcos sa kaso ng pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa at Raul Yap kahit ibinalik na sila sa serbisyo.
Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, na wala pang dapat ipagdiwang sina Marcos dahil uusigin pa rin sila ng mga piskal ng kagawaran sa pag-usad na rin ng kasong homicide na nakasampa sa Baybay City, Leyte Regional Trial Court.
Una ng ipinaliwanag ni PNP Chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na ibinalik lamang sa kanilang trabaho sina Marcos matapos namang maserbisyuhan ang Apat na buwang suspensyon na ipinataw ng PNP- Internal Affairs Service bilang bahagi ng administrative penalty sa mga ito.
Matatandaan na nagawang makapag-piyansa ni Marcos at nang grupo nito matapos ibaba ng DOJ sa homicide ang kasong murder na nauna ng isinampa ng laban sa kanila.
By: Drew Nacino / Bert Mozo
Police Supt Marvin Marcos hindi pa umano absuwelto sa kaso was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882